Friday, November 18, 2011

PROMISE AND FOREVER

Tinig ni Airon:

Anung pag kakaiba nang PROMISE at FOREVER? parang wala namang pag kakaiba. matagal ko nang kinalimutan ang salitang PANGAKO. Nasasaktan lang aq sa tuwing naririnig ko ang salitang yon.

Panu mo nasasabi ang salitang forever kung sa pangako pa lang hindi mo na magawa? useless ang salitang forever kung wala ang salitang pangako. dahil iisa lang ang role ng dalawa.. pang habang buhay n obligasyon at salitang hindi mababago.Pero bakit ganun tayong mga tao noh. Nagagawa nating saktan ang isang taong pag lalaanan mo ng pangako mo at sasabihan mo nag habang buhay pero hindi mo pala kayang panindigan ang mga salitang yon.

Malapit ko na ring burahin sa isipan ko ang salitang forever, halos wala din naman pagkakaiba sa salitang pangako...

Tuesday, November 15, 2011

ANG UNANG PAG TATAGPO

Kalagitnaan nang pamamahinga pagtapos ng tanghalian nang maisipan ni airon. Pumunta sya sa isang site upang makita kung sino sino ang mga taong sumusubaybay sa kanya. Hanggang nakita niya ang isang kaibigan, sa katauhan ni DEVZ.

Sa una binasa niya ang buong profile ni devz at hndi nag atubiling nag message si airon sa kanya. hindi lubos akalain na sasagutin ni devz ang message na pinadala ni airon, natuwa nmn si airon dahil akala nya ay hndi sya papansinin.

Nag kwentuhan sila tungkol sa kanilang buhay, lalo n sa buhay pag ibig. napansin nyang halos magkaparehas sila nang karanasan sa pag ibig. bukod pa dito halos mag iisang taon n dn sana sila ng kanyang partner, tulad ng kay airon n halos magkalapit lng dn ang araw ng sanay kanilang anniversary. Napangiti si airon sa napansin nya, ngiti na nanumbalik sa tagal na panahon n hindi ito nakita sa kanyang mukha. ngiti na nag papahiwatig nang bagong buhay na tatahakin ni airon sa piling ng kanyang bagong kaibigan na si devz.

inisip nya na ito na ba ang sagot sa kanyang hiling, ito na ba ang taong babangon at kukuha sa kanya sa lugar nang kalungkutan.


Saturday, November 5, 2011

TOTAL DEPRESSION

Ilang bwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ni airon ang pagkasawi sa pag ibig ni airon, umabot sa nagkakasakit na sya, nawawalan nang ganang kumain, palaging puyat, palaging nag iinom at palaging malungkutin ni airon. talagang nawalan na sya nang gana pang mabuhay, dahil kulang na ang isang parte nang kanyang pag katao.

Sa tuwing umuuwi sya galing sa trabaho, hihiga lang sya sa kama, mag iisip, iiyak, mag sisisi. halo halong emosyon ang nararamdaman nya sa tuwing umuuwi sya at nag iisa sa bahay na kanyang tinutuluyan sa liliw. hirap na hirap ang kaloban ni airon sa tuwing maaalala nya ang mga masasayang araw na mag kasama sila. mga pangako na binitawan sa isat isa, mga pangarap na pilit inaabot dahil sa suporta ng bawat isa at mga di malilimutang ligaya nung panahon na magkasama sila.

Pilit inaalis sa isipan ni airon ang mga bagay na yon pero hindi nya kayang gawin, talagang hindi pa rin sya nakakabangon sa pangyayari. inisip nya na kelan kaya matatapos ang pag hihirap na yon?

Thursday, September 22, 2011

ANG KALUNGKUTAN

Sa araw na to, hndi makausap ng maayos si airon dahil sa pagka depress, depress sa mga nangyayari ngayon sa buhay nya. sa pamilya, sa trabaho at sa buhay pag ibig. Hindi magawang sabihin sa kanyang bestfrend ang mga nararamdaman nya, kaya minsan pag tinatanong sya ni mark, nauunahan na ng iyak ang pag sasalay say ng kanyang mga problema. Nawawalan ng lakas ng loob si airon na sa bihin ang kanyang nararamdaman dahil hindi nya alam kung anu ang magiging reaksyon ng kanyang bestfrend sa kanyang mga nararamdaman, kaht na sabihin ni mark na nanjn lng sya palagi kung my problema sya. pero hndi ugali ni airon n mag sabi nang kanyang mga nararamdaman.

kalimitan mas gusto ni airon na mag isa, pumunta sa isang lugar na tahimik,para makapag isip,makahinga nang maluwag. at hndi icipin pansamantala ang kanyang mga problema. sa oras nya yon. nararamdaman nyang mag isa n lang sya kht alam nya na maraming taong nakapaligid sa kanya na handng damayan sya pag kailangan nya nang karamay....

Wednesday, September 21, 2011

PERFECT PARTNER DOESN'T EXIST

Always remember that you can never find a perfect partner to love you the way you wanted, Only a person who's willing to love you more than what you are. Someone who'll accept you for what you can & Can't be and that's even better than perfect.

It is always a risk to like someone it involves time, patience and understanding to get someone's heart to open up at times, it will work other times, it wont but that's why you call it a RISK. You invest in something and there's a possibility you won't win. However, you still get something in return. Strength of heart and mind and the assurance that you won't have any regret from not trying.

Tuesday, September 20, 2011

ANG PAG HIHIRAP NG KALOOBAN NI AIRON

Hindi lubos akalain ni airon na mararanasan nya ang isa sa pinaka mahirap na dagos sa kanyang buhay. isang malapit sa kanyang buhay ang bigla na lang nawala sa hindi malamang dahilan. nung una sabi sa kanya na magiging abala lang xa sa kanyang trabaho dahil madaming naging problema sa kanilang kompanya. at naunawaan nmn yon ni airon, pero nang makalaunan. bibihira na lang itong mag txt sa kanya, hanggang sa dumating ang oras na hndi na sya muling nagpakita at nagparamdam,

Araw araw, gabi gabing hinihintay ang txt at ang pag babalik. ngunit nabigo si airon sa pag hihintay. hindi sumuko si airon at nag babaka sakaling dumating ito sa kanila at muling magbigay ng siya at ngiti sa mukha ni airon. pero nabigo pa rin sya,

Mula noon gabi gabi nang umiiyak si airon at nag iisip kung anung naging dahilan kung bakit bglang nawala ang isa sa malapit sa kanya. minuminuto nyang tinitignan at tinatawagan pero patay pa rin ang celphone. gabi gabi halos hndi na xa natutulog sa pag aasam na babalik pa ang hinihintay nya. at dahil sa pag pupuyat ni airon at nagkaroon xa nang mataas na lagnat at pag baba nang dugo.

masakit para kay airon ang bglaang pagkawala ng taong iyon. dahil inaakala nya na hinding hindi magagawang saktan si airon.

Sunday, June 12, 2011

HINALA

Panu ba pag nagkahinala ka sa isang taong mahal mo, anung dapat mung gawin? kokomprontahin mo ba sya o hahayaan nalng na umikot sa icip mo ang hinalang unti unting pumapatay sa tiwala mo sa taong mahal mo?

Yan ang isang katanungang pilit sagutin ni airon habang kausap nya ang taong mahal nya ngyng madaling araw. Dahil alam nya na pag nagkaroon sya ng hinala sa isang tao, malaki ang posibilidad na totoo yon.

Panu kaya kung totoo ang hinala nya sa taong mahal nya? gagawin b nya ulit yung ginawa nya s dati nyang nakarelasyon?

Saturday, June 11, 2011

ANG SALOOBIN

Marahil ay hindi pa tanggap ni airon na ang kanyang lola ay unti unti nang kinakain ng kanyang malalang karamdaman (leukemia). Ang lola nyang mula pa nung isilang sya ay nandun at inalagaan xa. Bagamat hindi maganda minsan ang naranasan nya sa kanyang lola ay hndi sya nag tanim ng sama ng loob sa kanyang lola. Isa rin ito sa turo ng kanyang ama. pinalaki si airon ng kanyang magulang na hndi nag tatanim ng sama ng loob sa kapwa.Hindi lubos maicp ni airon na hahantong sa ganto ang lahat. Pinag mamasdan nya mabuti ang kayang lola habang mahimbing na natutulog. Kinausap nya ang kanyang tiya na sa oras na yon ay nag babantay at nag aasikaso sa lola nyang nakaratay.. Mahina na daw ang kanyang lola, hndi kumakain dahil hndi na tinatanggap ng katawan nya ang ibang pagkain kundi lugaw lang. hndi na rin makatayo o maka upo ng walang alalay. lalong nabagabag si airon nag maya maya ay umiiyak ang kanyang lola. hndi na nya napigilang mapaluha kaya lumabas na lang xa ng kwarto para hndi makita nang kanyang lola ang pag luha nya.

Masakit isipin na my mga mahahalagang tao sa buhay mo ang mawawala. mas nanaisin mo pang mag abroad cla o manirahan sa malayong lugar kesa makita umalis na xa na alam mong kaht kelan hinding hndi mo n sila makikita sa mundong ibabaw. ang tao iisa lng ang buhay kaya pangalagaan at ingatan. habang kasama mo pa sila sa mundo. ipakita mo sa kanila n mahalaga cla sayo. hndi natin alam kung hanggang kelan iikot ang oras nila sa mundo. hndi natin alam kung kelan titigil at hihinto ang batirya ng orasan. hindi natin hawak ang kapalaran natin. minsan sa hndi inaasahan my mawala sa isa sa mahal natin sa buhay. pero magpasalamat dn tayo dahil sa iisang buhay natin. nagkaroon at nakatagpo tayo ng mga taong nagpasaya, nag paluha, nagpadama ng pagmamahal at pag bibigay impotansya. nung panahong kasa kasama mo pa sila.


ANG PAGBABALIK

Mark: nasan ka na? anung oras ang uwi mo?
Airon: nand2 pa aq sa ospital. mamaya pa aq makakauwi wala pa si tita tsaki.
Mark: ok cge txt mo ako pag uuwi ka na. sabay na tayo. hintayin kita sa my mangga.
Airon: ok cge.
Mark: smile ka lang ha... gusto mo mag inom tayo?
Airon: ayoko ok lng aq..maaga pa ako bukas babalik dto sa ospital..

Sa maikling pag uusap nila ng kanyang matalik na kaibigan. naramdaman agad ni mark ang mabigat na kalooban ni airon. hindi xa ang masiyahing si airon nung oras na nakatxt at nakausap nya ang kanyang kaibgan na tila my bumabagabag sa loob ni airon. Anu nga ba ang bumabagabag sa icipan ni airon sa panahong yon?

Ang Ibon sa Palad ng Isang Musmos

Ikinulong sa rehas na bakal ang ibon na hinuli ng mga dayo mula sa ibang lupain. Dumanas nang malalakas na hagupit buhat sa mga kamay ng mga taong maiitim ang budhi. Lumatay ang sugat na nagpalala nang galit ng ibon sa mga dayuhang yumurak sa kanya.Pinilit niyang humulagpos ngunit ang mga paa’y tanikalang itinali sa isang sulok nang madilim na hawlang kanyang kinasadlakan.Bagamat ginawang busabos,bumangon siya sa pagkakadapa at kahit paos ang tinig, umawit siya ng himno nang pagdadalamhati at nagbakasakaling may makarinig at tulungan siyang makawala. Ang madamdaming huni ng ibon ay nangibabaw sa kapuluan.Unti-unting narinig na gumising sa damdamin ng mga taong tunay na may karapatan sa lupang kanilang tinatapakan. Nakipaglaban upang maitaboy ang mga sakim na dayuhan at mabigyang laya ang naghihingalong ibon sa pagkabulid sa rehas.Tuluyan ngang nakalipad ang ibon dahil sa magigiting na taong nagtanggol at nagbuwis ng buhay para sa kanyang kalayaan. Nagsimulang maglakbay ang ibon sa himpapawid at nilasap ang dulot ng pagiging malaya.

Nakaramdam nang pagkahapo ang ibon at naghanap nang masisilungan. Sa pagkamangha, nakita niya na nagkakawatak-watak ang mga taong inaasahan niya na muling magtatanggol sa kanya laban sa anumang pagbabanta ng kasakiman. Oo nga’t malaya na siyang nakalipad sa palad ng mga dayuhang dati’y sa kanya’y bumihag ngunit mas nakatatatakot ang ngayo’y bumabalot sa kanyang katawan sapagkat hindi niya alam kung may nagmamalasakit pa sa kanya sapagkat pawang mga pansariling kapakanan na ang naghahari sa lupang kanyang naging tirahan. Nangangamba siya na darating ang araw na bagamat siya’y nakalilipad muling lalagyan ng tanikala ang kanyang mga paa tulad ng isang guryon na pinalilipad ng taong may hawak ng tali. Mas masahol pa ang magiging kahahantungan niya sapagkat ang mga taong dapat kumikilala at nagpapahalaga sa kanyang pagiging malaya ang siyang pipigil sa kanyang paglipad. Ang masaklap, gagawin siyang sunud-sunuran ng mga taong walang katakawan sa kapangyarihan.Habang pinipilit hanapan ng kasagutan ang tanong na bumabagabag sa kanya, hindi niya namalayan ang pagbuhos nang masaganang luha sa kanyang mga mata . Nasaan na ang mga magigiting na taong maaaring magtanggol at kikilala sa kanyang malayang paglipad. Mayroon pa bang magpapahalaga sa diwa ng paglaya?

Lumipad ang ibon bakas ang lungkot at paghihinayang sa kinahihinatnan ng lupang kanyang tinubuan. Pagod na pagod at hindi alam kung saan makikisilong. Hanggang sa kanyang paglipad nakita niya ang isang bata na kumakaway sa kanya. Bumagal ang kanyang kampay at tinungo ang kinalalagyan ng munting musmos na ito. At habang papalapit, nakita niya itong lumulundag sa kasiyahan. Ibinuka ng bata ang kamao nitong nakatikom upang malaya siyang makadapo sa kanyang palad. Naramdaman niya ang mahinahong paghaplos ng bata sa kanya. Ingat na ingat upang siya’y di masaktan. Habang patuloy sa paghipo ang bata, nakadama siya ng ginhawa at doon tahimik na winika , na sana sa palad ng musmos na ito magsisimula muling manariwa ang pagmamahal sa kalayaan at lalabanan ang anumang banta nang kasakiman at pang-aabuso sa kapangyarihan.