Thursday, March 26, 2009

Bakit Pa My Salitang Promise?

"Promises are made to be broken and lies are meant to be kept.."

Yan ang tinatak sa isp ni airon mula pa nung nawala ang una nyang best friend. nag daan ang madaming panahon at my mga taong nangako sa kanya na hindi xa iiwan.. pero hindi naman natutupad kaya palaging nag iisa si noon si airon, walang masabihan ng problema, wlang mahingahan ng problema, wlang kakampi. hindi nya alam kung anu bang problema sa kanya. hindi nmn xa masamang tao para iwan.

Airon: "Bakit pa ginawa ang salitang "Promise" kung hindi nmn nila tinutupad ang ma pangako nila s aking hindi nila aq iiwan at hindi sila mag babago? sana hindi n lng cla nangako nang hindi aq nasasaktan at nahihirapan. sana nung una pa hindi na lng sila naging mabait sa akin kung iiwan din namn nila aq. kala ba nila hindi aq nahihirapan pag hindi nila natutupad ang mga pangako nila sa akin?"

Mga salitang nasambit ni airon habang nakahiga sa ibabaw ng bubungan nila habang pinagmamasdan ang maaliwalas na kalawakan ng gabing yon. Naalala tuloy nya ang pumanaw nyang kaibigan. Nangako kc clang hindi cla magkakahiwalay at walang iwanan. pero ramdam maman ni airon n kahit na wala na ang matalik nyang kaibigan, ramdam nyang nasa tabi lng ito para gabayan xa.




Tuesday, March 24, 2009

A song to remember

Dont Fade Away

(And) I've been waiting here for you
Waiting for a sign from you
I feel very cold
That I can't smile no more

Your voice doesn't sound so clear
I don't think it's fair
Your dreams disappeared
I hope you'll be alright
We hope you'll be alright ...

Chorus:
(Father) Don't fade away from me
For you will always be
My sweetest memory
A friend so dear to me ...

And I don't mean to sound so sad
But if you only knew, I miss you so bad
I won't forget your life
We won't forget your life ...

Bridge:
I know it's gonna take time
But you will never be off my mind, oh no
I sit here crying many tears
But I wish you were still here ..


Karamihan sa kaibigan at kakilala ni airon kinuwento nya ang tungkol sa kantang yan, marami ang nainis at meron ding naiyak. Dahil gusto ni airon na kung sakaling kuhanin na xa nang Panginoon, patutugtugin yang kanta sa libing nya. dahil isa ito sa paboritong kanta ni airon...

Monday, March 23, 2009

Thank You My Friend

Malamig na hapon nang magsimulang makinig ng music si airon. tinignan at pinatugtog nya ang mga lumang cds na kanyang tinago. bawat kanta ay may kanya kanyang kahulugan sa buhay ni airon. isa na rito ang kanta ni Nelson del Castillo na YOUR MY BEST FRIEND. una pa lng masasabi mo nang maganda talaga ang kanta.

>"Many People say true friends are hard to find, but i know i'm not that kind"

>"They come and go and sometimes leave us behind, like a wind that passes by"

Napatigil saglit si airon at napaisip, inicp nyang tama ang nilalaman ng kanta, marami ka nang kaibgan, pero lahat ba sila totoo sayo?

Sa buhay ni airon, marami nang taong nagdaan sa kaya, my mga dumating, my mga umalis, pero naging matatag pa rin si airon. naging matatag dahil dahil sa mga tunay na kaibigang nakapaligid sa kanya na tumanggap sa kanya kung anu xa hindi ung kung anung kaya nyang ibgay at hindi nag eexpect ng malaki sa kanya. Sila ung mga taong handang damayan si airon sa araw na kailangan nya ng kakampi, at nag papasaya sa araw araw nyang pamumuhay.

Sa kabila ng mga problemang nag daan kay airon, d xa nakitaan ng lungkot sa kanyang mukha na tila nadadala nya lahat ng problema, pero lingid sa kaalaman ng karamihan, paraan nya yon para hindi xa kaawaan at hindi cla pang hinaan ng loob n harapin ang kani kaniyang problema at kalungkutan.

Habang nakikinig si airon ng kantang Your my best friend, biglang naalala nya yung unang inalayan nya ng kantang ito...

S
ince grade school magkasama at matalik nang magkaibigan sila airon at Ben. Magkasama sa tawanan, problema, kalokohan at iyakan ang dalawa. para nang magkapatid ang turingan nila airon at ben. magkasama sila kahit san man magpunta tulad ng isang beses na tumakas sila nang bahay para maglaro. naicipan nilang maglaro sa bukid dahil d pa nila nararanasang maglaro don. ngunit napagalitan sila nung pag uwi nila ng bahay dahilpuro sugat at pantal ang kanilang mga binti at katawan. isa yun sa maraming happy moments sa buhay nila airon at ben na kailan man hinding hindi makakalimutan ang mga masasayang araw na magkasama silang dalwa.

Dumating ang araw na lumaki na sila at tumuntong n ng kolehiyo. Magkaiba man ng pinapasukan ang dalwa. hindi yun naging hadlang para magkalayo ang dalwa. malimit na nasa bahay nila ben si airon at dun nag papalipas ng oras pagtapos sa skwela. Masaya ang dalwa pag magkasama sila na tila d nauubusan ng kwento.

Totoo bang my nakaakibat na kalungkutan sa kabila ng araw araw na kasiyahan?

Dumating ang oras na kailan man ay hindi inaasahang mangyari. My nagbalita kay airon na naaksidente si ben. Hindi nya agad ito pinansin na akala nyang nagloloko lng yung taong nag sabi non. Pero totoo pala. Dali dali xang pumunta ng ospital para alamin kung anu bang nangyari. Hindi makapaniwala si airon na magyayari yon kay ben. Habang papalapit si airon sa ospital tila humihina at sumisikip ang dibdib ni airon na tila nag pipigil sa kanyang pag iyak. Nilapitan nya ang doktor upang alamin ang nangyari.

Car accident ang sabi ng doktor, hindi na napigilang umiyak si airon. tuloy tuloy ang agos ng luha sa kanyang mga pisngi. Nag aalala rin xa dahil baka maapektuhan ang puso ni ben.

Bata p lang ay nakitaan n ng komplikasyon sa puso si ben. Yon ang inaalala ngyn ni airon, pero hindi n muna nya un pinansin. Tinatagan n lng nya ang loob nya sa kung anu man ang magiging resulta sa nanyari.

Madaling araw na nang nakalabas ulit ang doktor sa operating room. Bakas sa loob ng doktor ang hindi magandang balita. tinanung ng magulang ni ben ang lagay ng kanyang anak. Napatigil ng ilang sigundo ang doktor saka sinabi ang lagay ni ben.

Kahit na nakaligtas na si ben sa aksidente, hindi nmn nakaligtas ang puso nya. sobrang naapektuhan ito sa pangyayari. Hindi na rin dw magtatagal ang buhay ni ben. Hindi alam malaman ni airon kung anung gagawin nya sa narinig na balita ng doktor. Gustonyang sumigaw ng malakas at umiyak pero hindi nya magawa, sa halip nilakasan ang loob at inisip n lng na aalis si ben para mag ibang bansa. un ang itinatak sa utak ni airon.

Kinaumagahan ay dinala na sa kwarto si ben. Araw araw na dinadalaw ni airon si ben sa kwarto para bantayan, hindi nya pinalalagpas ang araw na hindi xa pumupunta sa ospital dahil di niya alam kung kailan aalis si ben papuntang ibang bansa. Bawat araw ni ben ay ginagawang masaya ni airon, hindi nya pinakikita ang kalungkutan pag magkasama ang dalawa.

haban tumatagal ang araw, lalong nagiging komplikado ang lahat. at dumating na rin ang araw nang pag alis ni ben. October 27,2002 nang lisanin ni ben ang mundo. kahit isipin ni airon ang pagkukunwaring pupunta lng ng ibang bansa si ben, hindi nya magawa, dahil nakita nya mismo ang unti unting paghina ng hininga at pag bagal ng tibok ng puso ni ben.

Natulala si airon sa nagyari, hindi tlga nya matanggap na ang tinuring nyang best friend, kakampi at kapatid at nawala na nangtuluyan at hindi na babalik kailan man. Isang linggong hindi nakaimik at hindi nakausap ng aus si airon dahil sa pangyayari. Naalala tuloy nya ang pangako nila noon sa isat isa na lalaki silang magiging isang succesful na business man. Pero hindi na yun mangyayari na magkasama sila. Sa harap ng puntod ni ben, ipinangako ni airon na tutuparin nya ang naiwang pangako ni ben. kailangan nang mag move on ni airon pero hindi ganun kadali yon dahil sa mga naiwang ala ala ni ben sa kanilang samahan.

Lumipas ang ilang bwan, at umabot ng taon at dumating ang kaarawan ni airon. unang kaarawang hindi kasama si ben. pero laking gulat nya nung nagising xa. Nakasuot kay airon ang bracelet na ibinigay ni ben na lagi nyang ginagawa nung nabubuhay pa xa. hindi xa makapaniwalang nasa braso nya ito dahil matagal nang nawawala ang bracelet na yon. Umiyak ng umiyak si airon dahil kahit na nasa kabilang mundo na si ben ay naaalala pa rin nya ang kaarawan ni airon. Dali daling xang pumunta sa puntod ni ben at nagpasalamat. Nagpasalamat xa at dumating si ben sa buhay nya. Binigyan ng buhay at minsang magulong buhay ni airon. Nag sorry din xa kay ben dahil nung araw na inilibing si ben ay isinama nya lahat ng mga litrato ni ben n magkasama sila. Pero hindi un dahilan para kalimutan ni airon si ben dahil kahit kailan, wala mang mga litrato na nag papaalala ng kanilang mga masasayang nakaraan ay nasa puso at isipan na ito ni airon. ang pagkakaibigan nila ay hindi tulad ng litrato na habang tumatagal ay unti unting lumalabo, unti unting nawawala ang kulay ng larawan. ang samahan nila ay nakaukit na sa puso ni airon na kahit kuhanin din xa ng Panginoon ay hindi mawawala at hindi mabubura ang samahan nilang dalwa...


Sunday, March 22, 2009

SAD HOT DAY

>goodmorning po

>good am

>thanks pla sayo, sana naging masaya ka, at sana mas lalo kang maging masaya

>thanks po saan?

>sa ginawa mo?
>anung ginawa q po?

>isipin mong mabuti, malalaman mo rin

>hala anu un?

>may nagawa ba akong masama sa buhay ko, bakit ako ginaganito ng mga tao?

>bkit nga po anung problema? tel me po. my nagawa ba akong d maganda?

>sana naging masamang tao n lng ako, sana hindi n lng aq ngtiwala sa mga tao. sana wala ang taong tulad q. ang laki ng problema q sa sarili ko. ang laking tanga ko.

Mga tagpong nagpalungkot sa araw ni airon. mga katagang unti unting tumutusok sa puso ni airon. hindi xa agad nakasagot sa mga nasabi nang taong minsang nagpangiti sa kanya at nagparamdam ng pagpapahalaga sa kanya. nahihirapan xang sumagot dahil d nya alam baka lalong mahirapan ung taong yon. wla xang maicp na gawin kundi manahimik at hindi kumibo. pero d rin xa nakapagpigil. dahil habang tumatagal ang usapan nila lalong nagiging komplikado ang lahat. d nya namalayang unti unting pumapatak ang luha sa kanyang mga mata, sumisikip ang dibdib na tila nag babadya ng sasabog na emosyon. d na lng nya cnabi ang nangyayari sa kanya dahil inicp ni airon na baka lalong mahirapan ung taong kausap nya.

>"anu kaya ang gagwin q. ayaw qng mawala ang taong ito sa buhay q........ napakasama kong tao at nasaktan q xa. ayaw qng my nahihirapan sa akin."

sambit sa icp ni airon. naicip tuloy nya na magkusa na xa na lumayo na lng para walang gulo.

>"tutal aq naman ang dahilan kung bakit xa nahihirapan. aq na lng ang gagawa ng paraan para d na xa mahirapan. aq n lng ang lalayo para bumalik na sa dati ang buhay nya."

pero sa paraan ba nyang yon eh mag babago ba ang lahat at maibabalik na ang lahat sa dati? gnawa nyang hindi umimik nang ilang oras. kaso hindi rin nya mapigilan. tuluyan nang nalaglag ang loob ni airon at tuloy tuloy ang agos ng luha sa kanyang mga pisngi. hindi nya kayang tiisin ang taong yon. humingi xa ng sori sa taong yon. na hindi nya alam kung anung magiging sagot sa mga sori ni airon....








Thursday, March 5, 2009

kanta.....

"kakatuwa ung tugtog"

"ano po?"

"put away the pictures"

"ha ha ha"

"learning the art of letting go'

"hehehe ganun?"

"pang inis"

"how do i start to live my life alone.. hehehe"

"now here it comes, the hardest part of all"

"unchained my heart"

"maybe im just learning, Learning the art of letting go"


Sa usapan nilang yon, biglang natahimik c airon, marahil tama nga ang kanta. kaso inicp pa rin ni airon. madali bang paraan ang mag let go ng isang tao? pag inialis ba nag mga bagay na nag uugnay sa taong iniwan eh makakalimutan na ba? para kay airon hindi. sa mga naranasan nya. d ganun kadaling kalimutan ang lahat. Hanggat nanjan ang mga bagay o lugar n nag papa alala sa kanya, imposibleng makalimutan ang taong minsang naging bahagi ng buhay ni airon. Kahit anung pilit na limot ang gawin, d pa rin kaya ng tao na makalimutan ang nakaraan. Pero masaya pa rin c airon ksi kahit na wla na ung mga taong minsang nakasakit sa kanya, nanjan nmn ung mga taong nag papasaya at nag papalakas sa kanya.

Pagod na araw

Naging abala si airon ngyng araw na ito. Umaga p lng at pag dating sa opisina mdami nang taong naghihintay sa kanya para ausin ang mga cheke ng tindahan ni tiya nya. Sa gitna nang kanyang pagiging abala, ay nandun pa rin ang lungkot at takot sa kanyang mukha, lungkot na pilit tinitanggal sa loob ni airon dahil sa mga taong pilit binabago ang nararamdaman wag lng masaktan kay airon. at takot dahil baka ang gawing disisyon ng taong yon ay iwan n lng xa upang hindi lalo mahirapan. Pero naicip din nya, d nmn cguro lahat ng nakilala nya ay ganun. alam nya n nanjan pa rin ung mga taong hindi umaalis sa tabi nya, na pilit ibangon c airon sa kalungkutan at takot.


Monday, March 2, 2009

Anu bang dapat sundin?

Mejo napa aga nang pasok c airon sa opisina. Wla pang syang kasama sa taas dahil hindi pa dumarating ang mga kasama nya, kaya naicpan nya munang mag kape sa baba habang nag hihintay. napansin nyang parang kakaiba ang araw na yon. iba ang pakiramdam ni airon, na parang malungkot ang nararamdaman. tila my gustong ipahiwatig ng nararamdaman nyang yon. anu kaya ang bumabagabag kay airon sa araw na yon?

"anu nagawa qng mali?"

"masama ba aqng tao para masaktan cla sa akin?"

"dapat q n bang baguhin ang pag uugali q?"


mga katanungang pilit hanapan ng solusyon ni airon. isang mabait at malambing na tao c airon kaya minsan mdaming tao ang nakakamis interpret ng ugali nya. Pag nagkaganun, mas nahihirapang makisama c airon dahil kailangan p nyang baguhin ang ugali nya para lng hindi xa mamis interpret.

Panimula

Mainit ang panahon nang magcmulang gumawa nang blog c airon, nais nyang ibahagi ang kanyang munting buhay para kung sakaling dumating ang araw na wala na sya sa mundo, my mga ala alang matitira sa mga mahal nya sa buhay, at maramdaman nilang my isang airon na nabuhay sa mundo na naging parte nang buhay nila. Tara at sundan natin ang simpleng buhay ni airon sa blog na ito...