Tuesday, March 20, 2012

RUM BALLS

Sa wakas natapos na din ang rum balls na ginagawa ni airon.. namili sya kanina nang kulang sa pag gawa nang kanyang rumballs.. 

Sa pamimili ni airon, muntik na syang kulangin sa budget nya.. buti nalang at naiplano agad ya ang kanyang pera. 

Matapos syang mamili ay agad agad syang umuwi sa bahay upang simulan ang naudlot na pag gawa nang rum balls. Inuna nyang tunawin ang mga nabiling white at brown chocolate sa microwave ove. Sa kasamaang palad. mejo nasunog ang brown chocolate kaya mejo nag iba ang lasa. Pero hindi yun naginghadlang upang hindi nya ituloy ang pag gawa. Hanggang natapos nya ang pag gawa at pag design ng rum balls. Kitang kita ang tuwa sa mga mata ni airon nang natapos na nya ang matagal na nyang gustong tapusin. Isa na lang ang dapat nyang gawin. Ang ipag benta ang mga nagawa nyang rumballs. 

Hiniling nya na sana ay maging successfull ang pag gawa at pag benta ng rum balls upang kahit papa ano ay makatulong sya sa kanyang magulang.

Friday, March 16, 2012

Ang Pag Mumuni Muni

Pasado alas dose na nang madaling araw nang makauwi si airon kasama ni mark at ng kapatid nya galing sa resort dahil kaarawan ng pinsan nyang c AC at ng tiya nya.
naging masaya naman ang party kahit sila sila lang mag kakamag anak ang nandoon. 

Pag dating nya sa kanyang kwarto ay agad agad siyang nag palit ng damit pang bahay ay humiga para makapag pahinga. naisipan din nyang mag patugtog ng mga istrumental ang piano songs para marelax ang isip.

Sa mga oras na yon, habang nakikinig siya ay naalala yung mga panahong nag tatrabaho pa siya sa lugar na yon, bawat sulok ng lugar pinag masdan nya.. mga alala na noong masaya siya sa piling ng mga empleyado niya sa lugar na yon.. 
Madami na din ang umalis sa lugar na yon.. kaya pag dating nya don iilan nalang ang mga katrabaho nya na nooon ay kasama nya. namimiss nya ang bonding nila, inuman, saya, mga problema, pressure sa bawat event, ang puyatan sa tuwing my event na gaganapin, mga tsismis sa isat isa. mga away at bati ng bawat isa.

Kaso sabi nga nila. wlang permanente sa mundo. madaming umaalis. at sa bawat pag alis ay my kapalit n darating. sa mga sakit at pighati, may kapalit na ligaya at saya. lahat ng bagay ay my dahilan, ito ang mga naramdaman nya at naisip sa gabing nakikinig sya ng music...