Saturday, November 5, 2011

TOTAL DEPRESSION

Ilang bwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ni airon ang pagkasawi sa pag ibig ni airon, umabot sa nagkakasakit na sya, nawawalan nang ganang kumain, palaging puyat, palaging nag iinom at palaging malungkutin ni airon. talagang nawalan na sya nang gana pang mabuhay, dahil kulang na ang isang parte nang kanyang pag katao.

Sa tuwing umuuwi sya galing sa trabaho, hihiga lang sya sa kama, mag iisip, iiyak, mag sisisi. halo halong emosyon ang nararamdaman nya sa tuwing umuuwi sya at nag iisa sa bahay na kanyang tinutuluyan sa liliw. hirap na hirap ang kaloban ni airon sa tuwing maaalala nya ang mga masasayang araw na mag kasama sila. mga pangako na binitawan sa isat isa, mga pangarap na pilit inaabot dahil sa suporta ng bawat isa at mga di malilimutang ligaya nung panahon na magkasama sila.

Pilit inaalis sa isipan ni airon ang mga bagay na yon pero hindi nya kayang gawin, talagang hindi pa rin sya nakakabangon sa pangyayari. inisip nya na kelan kaya matatapos ang pag hihirap na yon?

No comments:

Post a Comment