Saturday, June 11, 2011

ANG SALOOBIN

Marahil ay hindi pa tanggap ni airon na ang kanyang lola ay unti unti nang kinakain ng kanyang malalang karamdaman (leukemia). Ang lola nyang mula pa nung isilang sya ay nandun at inalagaan xa. Bagamat hindi maganda minsan ang naranasan nya sa kanyang lola ay hndi sya nag tanim ng sama ng loob sa kanyang lola. Isa rin ito sa turo ng kanyang ama. pinalaki si airon ng kanyang magulang na hndi nag tatanim ng sama ng loob sa kapwa.Hindi lubos maicp ni airon na hahantong sa ganto ang lahat. Pinag mamasdan nya mabuti ang kayang lola habang mahimbing na natutulog. Kinausap nya ang kanyang tiya na sa oras na yon ay nag babantay at nag aasikaso sa lola nyang nakaratay.. Mahina na daw ang kanyang lola, hndi kumakain dahil hndi na tinatanggap ng katawan nya ang ibang pagkain kundi lugaw lang. hndi na rin makatayo o maka upo ng walang alalay. lalong nabagabag si airon nag maya maya ay umiiyak ang kanyang lola. hndi na nya napigilang mapaluha kaya lumabas na lang xa ng kwarto para hndi makita nang kanyang lola ang pag luha nya.

Masakit isipin na my mga mahahalagang tao sa buhay mo ang mawawala. mas nanaisin mo pang mag abroad cla o manirahan sa malayong lugar kesa makita umalis na xa na alam mong kaht kelan hinding hndi mo n sila makikita sa mundong ibabaw. ang tao iisa lng ang buhay kaya pangalagaan at ingatan. habang kasama mo pa sila sa mundo. ipakita mo sa kanila n mahalaga cla sayo. hndi natin alam kung hanggang kelan iikot ang oras nila sa mundo. hndi natin alam kung kelan titigil at hihinto ang batirya ng orasan. hindi natin hawak ang kapalaran natin. minsan sa hndi inaasahan my mawala sa isa sa mahal natin sa buhay. pero magpasalamat dn tayo dahil sa iisang buhay natin. nagkaroon at nakatagpo tayo ng mga taong nagpasaya, nag paluha, nagpadama ng pagmamahal at pag bibigay impotansya. nung panahong kasa kasama mo pa sila.


No comments:

Post a Comment