Friday, May 4, 2012

ANG KAARAWAN

Umagang maaliwalas ang bumungad sa mga mata ni airon sa pag gising nya ngayong espesyal na araw sa kanyang buhay. masaya siyang gumising dahil alam nya na sa bawat araw na lumilipas my mga taong palaging anjan para sa kanya. hindi man sila mag paramdam o bumati. alam nyang naaalala pa rin xa nang mga taong yun. 

Sa pag gising nyang yon, naalala nyang my surpresang syang nakahanda galing sa mga malalapit nyang pinsan, pero bago ang lahat. nakaplano n sa kanya ang pag simba upang pasalamatan ang Panginoon s lahat ng mga magagandang bagay na nangyayari sa kanya. sa pagdarasal nyang yon, kasama nyang ipinalangin ang mga taong minamahal nya, magulang, kapatid, kamag anak, mga malalapit na kaibigan, ang bestfrend nya at c devz.  nag papasalamat sya at ibinigay ng Dyos sa kanya ang mga taong alam nyang nanjan at hindi siya iiwan.

Wednesday, April 25, 2012

Quotes

Being in a relationship isn't about
 
KISSING, DATES, looks or the showing off..
 
It's about being with someone
 
who makes you happy

in a way that no one else can.

Tuesday, March 20, 2012

RUM BALLS

Sa wakas natapos na din ang rum balls na ginagawa ni airon.. namili sya kanina nang kulang sa pag gawa nang kanyang rumballs.. 

Sa pamimili ni airon, muntik na syang kulangin sa budget nya.. buti nalang at naiplano agad ya ang kanyang pera. 

Matapos syang mamili ay agad agad syang umuwi sa bahay upang simulan ang naudlot na pag gawa nang rum balls. Inuna nyang tunawin ang mga nabiling white at brown chocolate sa microwave ove. Sa kasamaang palad. mejo nasunog ang brown chocolate kaya mejo nag iba ang lasa. Pero hindi yun naginghadlang upang hindi nya ituloy ang pag gawa. Hanggang natapos nya ang pag gawa at pag design ng rum balls. Kitang kita ang tuwa sa mga mata ni airon nang natapos na nya ang matagal na nyang gustong tapusin. Isa na lang ang dapat nyang gawin. Ang ipag benta ang mga nagawa nyang rumballs. 

Hiniling nya na sana ay maging successfull ang pag gawa at pag benta ng rum balls upang kahit papa ano ay makatulong sya sa kanyang magulang.

Friday, March 16, 2012

Ang Pag Mumuni Muni

Pasado alas dose na nang madaling araw nang makauwi si airon kasama ni mark at ng kapatid nya galing sa resort dahil kaarawan ng pinsan nyang c AC at ng tiya nya.
naging masaya naman ang party kahit sila sila lang mag kakamag anak ang nandoon. 

Pag dating nya sa kanyang kwarto ay agad agad siyang nag palit ng damit pang bahay ay humiga para makapag pahinga. naisipan din nyang mag patugtog ng mga istrumental ang piano songs para marelax ang isip.

Sa mga oras na yon, habang nakikinig siya ay naalala yung mga panahong nag tatrabaho pa siya sa lugar na yon, bawat sulok ng lugar pinag masdan nya.. mga alala na noong masaya siya sa piling ng mga empleyado niya sa lugar na yon.. 
Madami na din ang umalis sa lugar na yon.. kaya pag dating nya don iilan nalang ang mga katrabaho nya na nooon ay kasama nya. namimiss nya ang bonding nila, inuman, saya, mga problema, pressure sa bawat event, ang puyatan sa tuwing my event na gaganapin, mga tsismis sa isat isa. mga away at bati ng bawat isa.

Kaso sabi nga nila. wlang permanente sa mundo. madaming umaalis. at sa bawat pag alis ay my kapalit n darating. sa mga sakit at pighati, may kapalit na ligaya at saya. lahat ng bagay ay my dahilan, ito ang mga naramdaman nya at naisip sa gabing nakikinig sya ng music...

Wednesday, February 29, 2012

Pagod

Tinig ni Airon:

Kagabi hineram ko yung laptop n ginagamit nang nanay dahil gusto kong mag laro para malibang. pero hindi pala saya ang idudulot sa akin ng pag heram ko nang laptop, nagkataon na nakabukas ang facebook nang nanay q at hndi ko naman intensyon na basahin ang mga message nya don. sa mga message na yon wla aqng ibang naging problema maliban sa usapan nila nag kapatid kong nasa malaysia. nanikip ang dibdib ko na parang sasabog dahil sa usapan nila. humeheram ang nanay ko nang pera sa kapatid ko dahil talagang walang wala n tlga xang kapera pera, kaya gumawa ang kapatid ko na makautang sa kanyang katrabaho para my maipadala lang sa nanay ko.. bumuhos ang aking mga luha sa mga paguusap nila dahil wala akong magawa, wala akong silbe sa pamilya namin, ni hindi ko matulungan ang pamilya q pag dating sa financial dahil wala aqng trabaho..

binilang ko ang mga huling pera ko na naitago at ibibili ko nang pagkain namin sa araw araw para kahit papano makatulong ako sa pamilya ko. hindi tumitigil ang luha ko hanggang napansin ng bestfriend ko na lumuluha ako.. tinanong nya ako kung bakit aq umiiyak, hindi ako umimik. hndi ko sya pinansin hanggang sa lapitan ako at tanungin ulit. don bumuhos ang bigat sa aking dibdib. hndi aq mapatahan ng bestfrend ko dahil hanggang sa ngyn ay iniisip ko ap rin na wala aqng kwenta sa pamilya namin at wala akong silbe. ni hindi ko matulungan ang nanay q at ang pamilya ko na suportahan ang pang araw araw naming gastusin, nahihirapan ako sa sitwasyon namin ngyn. wala akong magawa. kaya pala palagi nalang aqng pinagagalitan ng nanay ko at tinatanong tungkol sa pag aaply ko ay dahil nahihirapan na sila. naaawa ako sa magulang ko. umiiyak pa rin ako habang ginagawa ko ang blog na to. dahil sa oras na ito masyado na akong na pepresure, sinabayan pa nung isa sa mahalaga sa buhay ko. hindi nila ako maunawaan, hndi nila maramdamang nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon pero sige pa rin sila nang pag papa isip sa akin. sana matapos na ang mga problema ko dahil baka pag dating nang panahon, sa ospital ako madatnan.

Friday, November 18, 2011

PROMISE AND FOREVER

Tinig ni Airon:

Anung pag kakaiba nang PROMISE at FOREVER? parang wala namang pag kakaiba. matagal ko nang kinalimutan ang salitang PANGAKO. Nasasaktan lang aq sa tuwing naririnig ko ang salitang yon.

Panu mo nasasabi ang salitang forever kung sa pangako pa lang hindi mo na magawa? useless ang salitang forever kung wala ang salitang pangako. dahil iisa lang ang role ng dalawa.. pang habang buhay n obligasyon at salitang hindi mababago.Pero bakit ganun tayong mga tao noh. Nagagawa nating saktan ang isang taong pag lalaanan mo ng pangako mo at sasabihan mo nag habang buhay pero hindi mo pala kayang panindigan ang mga salitang yon.

Malapit ko na ring burahin sa isipan ko ang salitang forever, halos wala din naman pagkakaiba sa salitang pangako...

Tuesday, November 15, 2011

ANG UNANG PAG TATAGPO

Kalagitnaan nang pamamahinga pagtapos ng tanghalian nang maisipan ni airon. Pumunta sya sa isang site upang makita kung sino sino ang mga taong sumusubaybay sa kanya. Hanggang nakita niya ang isang kaibigan, sa katauhan ni DEVZ.

Sa una binasa niya ang buong profile ni devz at hndi nag atubiling nag message si airon sa kanya. hindi lubos akalain na sasagutin ni devz ang message na pinadala ni airon, natuwa nmn si airon dahil akala nya ay hndi sya papansinin.

Nag kwentuhan sila tungkol sa kanilang buhay, lalo n sa buhay pag ibig. napansin nyang halos magkaparehas sila nang karanasan sa pag ibig. bukod pa dito halos mag iisang taon n dn sana sila ng kanyang partner, tulad ng kay airon n halos magkalapit lng dn ang araw ng sanay kanilang anniversary. Napangiti si airon sa napansin nya, ngiti na nanumbalik sa tagal na panahon n hindi ito nakita sa kanyang mukha. ngiti na nag papahiwatig nang bagong buhay na tatahakin ni airon sa piling ng kanyang bagong kaibigan na si devz.

inisip nya na ito na ba ang sagot sa kanyang hiling, ito na ba ang taong babangon at kukuha sa kanya sa lugar nang kalungkutan.